
Ni NERIO AGUAS
Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na maaari nang makapasok sa Pilipinas ang mga Hong Kong at Macau nationals gamit ang temporary visitors without a visa sa loob ng 14-araw.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ito ay base na rin sa resolusyon na inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) noong nakaraang araw ng Biyernes.
Nakasaad pa sa resolusyon na bumubuhay sa Philippine foreign service circular na bago ang Covid-19 pandemic ay pinapayagan nang makapasok ng bansa ang mga Hong Kong-SAR at Macau-SAR nationals nang walang kinakailangang visa sa loob ng 14-araw.
Maliban sa HK at Macau, kasama rin sa pinapayagang makapasok sa Pilipinas ang mga Israel at Brazil nationals nang walang visa sa loob ng 59-araw.
Sinasabing ang naturang pribilehiyo sa nasabing mga bansa ay naaayon sa nilagdaang kasunduan na maaari ring makapasok ang mga Filipinos sa Israel at Brazil sa loon ng 59-araw nang walang gamit na visa.
Nabatid na sa pre-pandemic, noong 2019, nasa mahigit sa 5,000 Hong Kong nationals, at mahigit sa 3,000 Macau Sar nationals ang dumating sa bansa.
At noong sumunod na taon, nasa 25,000 Israelis, at nasa 13,000 Brazilians ang dumating sa Pilipinas.
