BI nagbabala sa online love scams

BI Commissioner Jaime Morente

Ni NERIO AGUAS

Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga kababaihang Pinoy laban sa mga online scammers na nabibiktima sa pamamagitan ng love scam ngayong binuksan na ng Pilipinas ang pintuan para makapasok ang mga dayuhan.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, kailangang maging maingat ang mga Filipino laban sa mga sindikato na umaabuso sa kahinaan ng mga Pinay na naghahanap ng karelasyon sa mga dayuhan.

 “With the re-opening of our borders to foreign tourists comes the return of the love scam,” sabi ni Morente.

Sinabi pa nito na kadalasang nakikilala ng mga walang kamalay-malay na biktima ang mga miyembro ng sindikato sa pamamagitan ng online, na unang manliligaw at magreregalo, pangakuan ng international travel, at kasal. 

Sa huli ay magdedesisyon umanong magpunta ng Pilipinas ang pekeng foreign national para pakasalan ang biktima.

“Upon the scammer’s supposed arrival in the Philippines, he will claim that he is being held by immigration authorities, or sometimes by other government agencies.  The scammer then will dupe his victim in depositing large sums of money in exchange for his freedom,” sabi ni Morente.

Inihalimbawa nito ang nangyari sa isang Pinay na naging biktima ng online scam noong nakaraang araw ng Miyerkules, na pinigilan umano sa Davao International Airport.

Ipinakita ng biktima ang screenshots ng pakikipag-usap sa isang lalaking nagpapanggap na si Morente na humihingi ng bayad kapalit ng pagpapalaya sa kanyang pseudo-partner. 

Iginiit ng scammer na pinigilan ito sa immigration counters dahil sa pagkakaroon ng malaking halaga ng pera sa hand carry bag nito.

“This scammer had the audacity to use my name for his scheme.  It is not within our jurisdiction to check bags of arriving passengers.  We are concerned with the person and their documents, and not his luggage. Upon checking, no such foreign national arrived in Davao,” giit ni Morente.

“Do not be fall prey to these swindlers and fraudsters that will promise you heaven and earth, only to be duped of your hard-earned money,” dagdag pa nito.

Leave a comment