Pinoy scientists, medical experts pinapurihan ni Senador Bong Go  

Ni NOEL ABUEL

Pinapurihan ni Senador Christopher “Bong” Go ang kontribusyon ng mga Filipino genomic sequencing experts sa paglaban sa COVID-19 sa paglulunsad ng University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC) Visayas sa Iloilo City at ang UP-PGC Mindanao sa Davao City.

Ang inisyatiba ay pinangunahan ng UP-PGC at ng Department of Health (DOH) sa pakikipagtulungan ng Department of Science and Technology (DOST) na naglalayong palawakin ang  biosurveillance capacity ng bansa.

Ang genomic sequencing ay nagbibigay-daan sa mga siyentipiko na maunawaan kung papaano nagbabago ang mga virus habang kumakalat ang mga ito, na humahantong sa isang mas mahusay at epektibong tugon.

“I am truly glad to join you today to witness the launching of UP-Philippine Genome Centers VisMin. Importante ito dahil gusto natin maging handa sa anumang posibilidad katulad ng pagsulpot ng mga bagong (COVID-19) variants,” sa virtual message ni Go.

“We must remain vigilant and focused on preventing another outbreak in addition to addressing the urgent needs facing our people,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ng senador na binigyan-halaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahalagahan at gawaing may kinalaman sa agham sa bansa.

Samantala, umapela naman si Go, na pinuno ng Senate Committee on Health, na ipasa na ang panukalang naglalayong magtayo ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines (VIP).

“Understanding the genetic changes in viral genome is a prerequisite for a strong public health response to emerging and reemerging viral diseases. We must continue to pursue investments in health research initiatives, such as the genome sequencing program of the UP-PGC,” paliwanag pa ng senador.

Inihain din nito ang SBN 2158 na naglalayong magtayo ng  Philippine Center for Disease Control and Prevention (CDC) na magsisilbing nangungunang ahensya para sa pagbuo ng mga hakbangin sa pagkontrol at pag-iwas sa nakahahawang sakit.

Leave a comment