GOOD NEWS///
Dapat lamang pamarisan ng ilang pulitiko at mga kumakandidato ngayong May elections itong si dating House Speaker Alan Peter Cayetano na hindi nagkalat ng basura o campaign materials sa pangangampanya.
Malaking bagay ito kung tutuusin lalo na at ang mga campaign materials ay nagiging salot sa pagbaha dahil naiipon ito sa mga kanal at sa iba pang daanan ng tubig tuwing umuulan.
Hindi biro ang sakripisyo ni Cayetano na gawing eco-friendly ang pangangampanya nito bilang nagbabalik na senador dahil sa maliban na nakakatulong ito sa ating kalikasan ay magandang simula ito na iwaksi na ang paggamit ng mga tarpaulin at iba pang campaign materials dahil polusyon ang dulot ng tradisyunal na pamamaraan ng kampanya.
Noong 2019 elections, nakakolekta ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng kabuuang 200.37 tonelada o katumbas ng 29 na garbage trucks ng mga materyales na may kaugnayan sa halalan o election-related waste mula Marso 1 hanggang Mayo 16 sa Metro Manila lamang.
At noong 2016 elections, umabot naman sa 206.61 tonelada ang mga election-related waste sa Metro Manila– katumbas ng 34 na trak ng basura.
Oh di ba, tama talaga ang ginagawa ni Cayetano.
“Mahirap mangampanya na walang posters, walang flyers, walang motorcade…So I’d really like to thank ‘yung mga siklista natin, kasi nag-volunteer sila,” sabi ng dating House Speaker.
Ang eco-friendly campaign ni Cayetano ay isang kampanyang nagbibigay-halaga sa ating mahal na kalikasan.
Ang nationwide bike caravan ay ginanap nang sabay-sabay noong Marso 14, 2022 sa 14 na lugar sa buong bansa kabilang ang Vigan City sa Ilocos Sur, Urdaneta City sa Pangasinan, Legazpi City sa Albay, Ormoc City sa Leyte, Baguio City, Bacolod City, Cagayan de Oro City, General Santos City, Zamboanga City, Manila City, Marikina City, at mga probinsya ng Cebu, Camarines Sur, at Iloilo.
Nakakatulong na ang eco-friendly campaign, nakatitipid pa kung tutuusin dahil mababawasan ang basurang campaign materials na kokolektahin ng MMDA.
