Magpabakuna na kayo pakiusap – Sen. Go

Senador Christopher “Bong” Go

Ni NOEL ABUEL

Umapela si Senador Christopher “Bong” Go sa mga Filipino na huwag nang magmatigas na magpabakuna upang hindi na maulit pa ang pagdami ng kaso ng tinamaan ng COVID-19 virus.

Ito ang panawagan ng senador kasunod na rin ng ulat na maraming Pinoy ang tumatangging magpabakuna hanggang sa kasalukuyan.

“Ako po ay nakikiusap sa mga kababayan nating Pilipino, meron na pong 64 million Filipinos ang bakunado sa ngayon at napatunayan naman natin na kapag bakunado ka, maiiwasan po ang pagkalala ng sakit sa COVID-19 at pagkamatay,” sabi ni Go.

“So ano pa bang inaantay ninyo, nakikiusap kami sa inyo, wag na po natin hintayin na tumaas na naman ang kaso, magkasakit kayo at back to zero na naman tayo,” giit nito.

Una nang sinabi ni National Task Force chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na  dahan-dahang bumababa ang  ang vaccination rate buwan-buwan ng  68% hanggang 8.7 milyon noong Pebrero mula sa record high na 27.1 milyon noong Nobyembre.

Ito ang nagtulak sa pamahalaan na mag-iskedyul ng ikaapat na nationwide vaccination drive mula Marso 10 hanggang Marso 12.

Ayon sa senador, nais ng gobyerno na sa halip na magdaos ng isa pang round ng national vaccination drive, sa halip ay tutukan ang mga lugar ng pagbabakuna na may mababang kaso ng pagbabakuna at itaas ang saklaw ng kanilang bakuna.

Itutuon na lamang ito sa mga lugar na hindi pa nabibigyan ng bakuna na nasa 70% hanggang 80%  ng makatatanda.

Sinabi ni Go na inisyatiba ng pamahalaan na palakasin ang kampanya ng pagbabakuna sa mga malalayong lugar at pinaalalahanan na ang mga Filipino ay protektado laban sa virus bago iluwag ang restriksyon. “Palakasin pa natin ang pagbabakuna sa buong bansa lalo na sa malalayong lugar. Bago luwagan, siguraduhin muna nating may proteksyon ang ating mga kababayan dahil mahirap magback-to-zero kung biglang kumalat muli ang sakit,” aniya pa.

Leave a comment