Mananatili akong independent candidate: Cayetano

Hanggang presidentiables na magsasalita vs e-sabong at e-cigarettes

Senatorial candidate Alan Peter Cayetano

Ni NOEL ABUEL

Nanindigan si dating House Speaker Alan Peter Cayetano na mananatili itong independiyenteng kandidato sa pagkasenador kasabay ng panawagan sa mga presidential candidates na tugunan ang usapin sa online gambling o e-sabong at e-cigarettes.

“I’ll be very honest with you, wala pa akong presidentiable na narinig na nagsabing ‘Masama ang e-sabong, kawawa ang tao, bilyun-bilyon ang nawawala. ‘Pag ako naging presidente, isasara ko ‘yan,’” sabi ni Cayetano sa panayam.

Aniya, habang maraming pagkakataon na sinasang-ayunan nito ang pahayag ng mga presidential candidates, napupuna umano nito na wala sinuman sa mga ito ang nagsasalita laban sa nasabing mga masamang bisyo na hindi nakakabuti sa mga tao.

“I agree with some points–kay Isko, ‘yung bilis ng pagkilos, I agree with Vice President Leni na kailangan ng malaking ayuda, I agree with Manny Pacquiao that we need to have a better housing system, I agree with Bongbong na dapat may unity,” sabi ni Cayetano.

 “But honestly may nakikita rin akong mali sa mga stand ng iba. Candidates don’t want to speak like this on e-sabong kasi may makakalaban ka eh…but it’s not enough may plataporma tayo sa trabaho, sa health. What about the other evils of this world that’s coming into the government?” tanong pa nito.

Si Cayetano, na planong dalhin sa Senado ang faith-based, values-oriented leadership, ay mahigpit ang pagtutol sa operasyon ng e-sabong na umano’y nagiging salot na at may dalang ibang sakot sa lipunan.

“Iba ang online talaga…’di ninyo pwedeng sabihin na ‘wala kaming pakialam’…Others might not think it’s not a big issue as it is, but I believe it’s my duty to speak about it,” sabi pa ng dating House Speaker.

“I’m happy being an independent because I can work with them, pero hindi ako nakatali na purihin sila. ‘Pag tingin ko mali, sasabihin ko talaga na mali y’ung stand nila,” ayon pa kay Cayetano.

Leave a comment