Binondo-Intramuros Bridge minamadali nang matapos ng DPWH

NI NERIO AGUAS

Doble-kayod ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para agad na matapos ang Binondo – Intramuros Bridge Project sa lungsod ng Maynila.

Sinabi ni DPWH Undersecretary for Unified Project Management Office (UPMO) Operations  Emil K. Sadain, na base sa ipinadala nitong ulat kay Secretary Roger G. Mercado, sinumulan na ang paglalagay ng aspalto sa mga  rampa at sa main bridge deck.

Idinagdag pa  nito na araw-gabi na ang isinasagawang pagtatrabaho ng kontraktor nitong China Road and Bridge Corporation para mangyari ang pangako nitong sa unang linggo ng susunod na buwan ay madadaanan na ang Binondo-Intramuros Bridge.

Sinasabing dahil sa pagdating ng mga materyales at kagamitan at sa sandaling matapos na ang pag-aaspalto ay agad na isusunod ang paglalagay ng durable pavement markings.

Ayon pa kay Sadain, an iconic design ng two-way four-lane steel box tied-arch bridge (basket-handle type) ay may hugis ng kinabukasan ng Manila na isang pinakamalaking natapos ng DWPH.

Ang nasabing proyekto aniya ay siguradong pagpipiyestahan ng publiko dahil sa magandang imahe ng tulay.

Ang konstruksyon ng Binondo – Intramuros Bridge Project ay ipinatupad ng UPMO Roads Management Cluster 1 (Bilateral) sa ilalim ng superbisyon ni dating Project Director Virgilio C. Castillo at ipinagpatuloy ni Project Director Benjamin A. Bautista at Project Manager Melchor Kabiling.

Inaasahang aabot sa 30,000 sasakyan ang maseserbisyuhan ng nasabing tulay sa pagitan ng Intramuros at Binondo na isa sa flagship infrastructure project ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Leave a comment