
Ni NOEL ABUEL
Isinusulong ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang pagtatatag ng natatanging ospital sa buong bansa tulad ng Philippine Heart Center, ng Lung Center of the Philippines, ng Philippine Children’s Medical Center, at ng National Kidney and Transplant Institute.
Aniya, personal na nakatuon ito na pagbutihin ang health care system at masiguro na maibibigay ang de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan.
“We’re quite proud that we have developed a very competent medical care system in Bukidnon, with zero billing for indigent patients, long before the zero-balance billing of the Amended Universal Healthcare Act,” sabi nito.
“It’s so important that we strengthen our medical care system in our provinces. Sa ngayon kasi, kailangan pang lumuwas ng mga tao mula probinsiya papuntang Maynila, kung magpapagamot sa mga specialty hospital. Kung hindi naman sila makakaluwas, ang option lang ay magpunta sa private hospitals, na sobrang mahal naman,” dagdag pa nito.
Sinabi pa ni Zubiri na reyalidad na milyong Filipino ang hindi nagagawang magpagamot lalo na sa mga probinsya dahil sa walang maayos na pagamutan.
“Pero kung wala kang sasakyan o kahit pamasahe para makaluwas ng Maynila, sigurado wala ka ring pang-private hospital. This is the reality for millions of Filipinos, kaya hindi na lang sila nagpapagamot. At kung kaya namang lumuwas, mahirap naman din magpa-schedule ng treatment sa ating mga specialty hospital–it can take months to get a slot, maliban na lang kung life or death situation na. Hindi naman pwedeng hintayin pa na humantong sa ganyan,” paliwanag nito.
