Imbestigasyon sa nawawalang 34 sabungero, ilipat sa NBI – Sen. Go

Senador Christopher “Bong” Go

Ni NOEL ABUEL

Iginiit ni Senador Christopher “Bong” Go na dapat ilipat ang isinasagawang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP)-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa mga pulis na isinasangkot sa nawawalang 34 sabungero kaugnay ng e-sabong.

Ito ang sinabi ni Go kasabay ng paliwanag na ngayong mga  aktibong pulis ang sinampahan ng kaso ng CIDG na umano’y itinuro ng mga testigo sa ilang nawawalang sabungero ay dapat na mailipat sa National Bureau of Investigation (NBI) o sa ibang law enforcement agency ang imbestigasyon.

Paliwanag ng senador, ito ay upang masigurong walang magiging whitewash sa kaso ay masiguro na maibibigay ang hustisya sa mga naulilang kamag-anak at pamilya ng nawawalang mga sabungero.

“Since cops are allegedly involved in the case of the sabungeros, Go said that the probe may need to be transferred to a different investigating body in order to ensure fairness and provide justice to the families of the missing individuals. Sila nga iyong dapat inatasan ni Pangulo na mag-imbestiga. Eh kung sangkot sila, dapat po’y ilipat sa ibang ahensya para maging patas po iyung imbestigasyon at mabigyan po ng hustisya ‘yung mga pamilya po ng mga nawawala,” sabi ni Go.

Samantala, pinatitiyak ni Go na dapat lumabas ang katotohanan sa nasabing usapin. “Dapat lumabas – hindi ko naman masabing nawala na ‘yung buhay. Pero dapat lumabas po ‘yung mga nawawala at managot po ang dapat managot,” ayon pa sa senador.

Leave a comment