2 kumpanya at customs broker kinasuhan ng BoC sa DOJ

Ni NERIO AGUAS

Kinasuhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice (DOJ) ang dalawang negosyante na sangkot sa umano’y pag-smuggle ng produktong petrolyo at mga household products na nagkakahalaga ng P1.545 milyon.

Patung-patong na kaso at paglabag sa Republic Act (RA) 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act; ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law; ang DOF-BIR-BOC Joint Circular No. 001.2019 as implemented by Customs Memorandum Order (CMO) No. 43-2019; at ang DOF-BOC-BIR Joint Memorandum Circular No. 001.2021, ang kinakaharap ng Luzon Petromobil Integrated Service Stations Inc. isang fuel retailer, sa Arayat, Pampanga dahil sa umano’y illegal na pagbebenta ng unmarked diesel fuel na nagkakahalaga ng P305,928.72.

Habang kinasuhan din ng BoC ng paglabag sa CMTA at sa Revised Penal Code ang Donna Bella Trading at ang customs broker nito kaugnay ng umano’y hindi pagdedeklara sa ilang household goods mula sa China na tinatayang nagkakahalaga ng P1,239,345.84.

Pagmamalaki pa ng BoC, simula Enero 2022, nakapagsampa na ito ng kaso na nasa 20 laban sa 53 indibiduwal  at licensed customs brokers sa DOJ at kasong administratibo naman laban sa  6 licensed customs brokers sa Professional Regulation Commission.

Leave a comment