
Ni NOEL ABUEL
Pinasalamatan ni Senador Christopher Bong Go si Pangulong Rodrigo Duterte sa nilagdaang nitong Executive Order no. 166 na nag-a-adopt sa 10-point policy agenda upang makabangon ang ekonomiya mula s epekto ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Go kailangan ng ‘whole of nation approach’ upang matiyak na walang maiiwan sa pagsulong ng bansa mula sa pandemya.
Sinabi pa ng senador naniniwala ito na kung mas maraming sektor ng ekonomiya ang mabubuksan ay mas maraming mga manggagawa n ang makakabalik sa kanilang mga trabaho.
Mas maraming pamilya din aniya ang makakabangon mula sa hirap na dulot ng pandemya.
Binigyan-diin naman ni Go na sa pagsimula pa lamang ng pandemya ay maingat na binabalanse ng gobyerno ang kalusugan at kabuhayan ng mga mamamayan.
“Since day one ng pandemya, maingat na binabalanse ng gobyerno ang kalusugan at kabuhayan ng mga mamamayan natin. Kahit may krisis, sinisikap nating maging malakas at maunlad ang ekonomiya upang magkaroon muli ng trabaho ang mga nawalan at maiwasan ang gutom at hirap,” ayon kay Go.
Kahit may krisis, sinisikap umano nitong maging malakas at maunlad ang ekonomiya upang magkaroon muli ng trabaho ang mga nawalan at maiwasan ang gutom at hirap.
“Hindi lamang ‘to whole-of-government kung hindi whole-of-nation approach. Kailangan nating magtulungan para tuluyang masugpo ang pandemya at ma-relax ang mga restrictions. Inaasahan natin na kung mas maraming sektor ng ekonomiya ang mabubuksan ay mas maraming mga kababayan natin ang makakabalik sa kanilang mga trabaho. Ibig sabihin, mas maraming pamilya ang makakabangon mula sa hirap na dulot ng pandemya,” paliwanag nito.
Nabatid na ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at ang National Task Force (NTF) Against COVID-19 ang magiging responsable sa implementasyon ng nasabing agenda habang ang National Economic and Development Authority (NEDA) ang siyang magmo-monitor kung nakasusunod ang mga ahensya ng pamahalaan.
“Hangad ng administrasyon na mabigyan ng mas maginhawang buhay ang maraming Pilipino sa kabila ng mga hamon sa katatagan ng ating bansa. Patuloy lang po tayong mag-ingat at maging disiplinado. Huwag natin sayangin ang pinaghirapan natin nitong mga nakaraang taon,” sabi pa nito.
