Anti-Hazing Law hindi pa rin naipatutupad – Sen. Zubiri

Senador Juan Miguel Zubiri

Ni NOEL ABUEL

Binatikos ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang kabiguan ng mga law enforcement agencies at mga eskuwelahan na ipatupad ang Anti-Hazing Law kung kaya’t nagpapatuloy ang paglabag dito.

Tugon ito ng senador sa nangyaring pagkamatay ng isang 18-anyos na estudyante sa kamay ng Tau Gamma Phi fraternity mula sa Kalayaan, Laguna,  na nasawi dahil sa hazing.

“It is absolutely infuriating how some fraternities are still upholding these barbaric hazing rituals. Walang puso. That kind of violence is not brotherhood. That’s torture, and everyone with a hand in it has blood on their hands and should rot behind bars,” sabi ni Zubiri.

Taong 2018, nang ihain ni Zubiri ang mahigpit na Anti-Hazing Law sa gitna ng pagkamatay ni  Horacio “Atio” Castillo III, ang freshman law student ng University of Santo Tomas (UST) na binawian ng buhay dahl sa hazing.

Sa ilalim ng bagong Anti-Hazing Act, sinumang mapapatunayang lumabag dito ay mapaparusahan ng reclusion perpetua at multang aabot sa P3 milyon kung saan mahaharap din sa multa ang eskuwelahan o unibersidad na mabibigong mapigilan ang hazing sa paaaralan.

Nakapaloob din sa batas ang pagbabawal sa lahat ng uri ng hazing o pananakit sa isang aplikante maging physical o psychological sa fraternity, sorority, o kahalintulad na organisasyon.

“After Atio, pinalakas talaga namin ang Anti-Hazing Act para hindi maulit ang ganitong karahasan. Wala na dapat ang mga ganitong klaseng initiation rites,” sabi pa ni Zubiri.

“So many young people have already died from hazing, and so many families have been upturned by their loss. And what’s worse is that their deaths have been so completely senseless. These are kids looking for brotherhood and friendship, and this is what they get in return?” giit nito.

Hindi naitago ni Zubiri ang galit na sa kabila ng mga naiulat na pagkasawi dahil sa hazing ay nagpapatuloy pa rin ito.

“Lalong nakakagalit itong pagkamatay ni Reymarc kasi, pagkatapos ng pagkamatay nina Atio at Darwin Dormitorio, parang hindi pa natatauhan ang mga ganitong organisasyon. Dapat talagang maparusahan sila–to serve justice, and to serve as a loud reminder that the law works, and no one can get away with this kind of violence ever again,” pahayag pa ng senador.

Leave a comment