Sandiganbayan at Office of the Ombudsman nakapagtala ng mataas na performance ratings

NI NOEL ABUEL

Sa kabila ng matagal na pagsasara dahil sa epekto ng COVID-19 virus ay nagpakita ng bahagyang pagtaas sa kanilang performances ang Sandiganbayan special anti-graft court at ang Office of the Ombudsman noong 2021.

Sa inilabas na yearend report ng Sandiganbayan Judicial Records Division, ipinakita  na ang Ombudsma ay nakapagsampa ng 163 kaso noong nakaraang taon o 46 kaso na higit sa 117 naitala nito noong 2020 na katumbas ng 39 porsiyentong pagtaas.

Sa case disposal numbers naman ng Sandiganbayan, tumaas din taun-taon mula 340 hanggang 366 para sa katamtammang 7.65 percent improvement.

Gayunpaman, ito ay sapat na upang bawasan ang caseload ng hukuman sa walong taong mababang bilang na 2,956. Ang huling beses na bumaba ang bilang ng mga nakabinbing kaso ay bumagsak sa 3,000 antas noong 2013 na 2,862.

Batay sa buwanang pagkakahati-hati ng kaso sa Sandiganbayan docket, ang Ombudsman ay umakyat sa huling dalawang buwan nang magsampa ito ng 97 kaso na sapat na sa isang taon. Noong unang 10 taon ng 2021 nasa 66 kaso lamang ang naisampa nito.

Sa loob ng 13 taon, ang anti-corruption agency ay nakapagtala ng mababang naisampang kaso noong 2022 dahil na rin sa paghihigpit na ipinataw ng pamahalaan dahil sa pandemya.

Sa panahon din nito, ang mga prosecutors ng Ombudsman ay nakapagtala ng 71 convictions kabilang ang 12 defendants na umaming guilty sa mas mababang pakakasala at 136 acquittals na nasa 34.3 conviction rate.

 Mayroon ding 65 kaso ang ibinasura ng Sandiganbayan, kabilang ang 51 bago pa iharap sa paglilitis.

Leave a comment