DepEd pinasalamatan ng senador  sa limited face-to-face graduation rites

Senador Francis Tolentino

NI NOEL ABUEL

Pinasalamatan ni Senador Francis ‘Tol’ Tolentino ang Department of Education (DepEd) sa desisyon nitong payagan nang magsasagawa ng limited face-to-face graduation ceremonies sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19 cases.

Sinabi ni Tolentino na natutuwa ito sa ginawang desisyon ng DepEd  dahil sa hindi ipinagkait ang minsan lamang na dapat maranasan ng mga nagsipagtapos sa pag-aaral sa pamamagitan ng  graduation rites.

“Minsan lamang po ito sa talambuhay ng isang estudyante kaya pinaghahandaan ito nang husto ng hindi lamang ng mga estudyante kundi ng kanila ring mga butihing magulang. Hindi po matatawaran ang kanilang sakripisyo, mapagtapos po lamang at mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang kanilang mga anak,” sabi ni Tolentino.

Base sa DepEd calendar, ang school year 2021-2022 ay magtatapos sa Hunyo 24 at ang graduation rites sa low-risk areas ay maaaring maganap sa Hunyo 27 hanggang Hulyo 2 kung saan dapat na masunod ang existing minimum health protocols.

Sinabi pa ni Tolentino na nais sana nitong noong Pebrero pa sinimulan ang limited face-to-face graduation/recognition ceremony hanggang sa matapos ang school year upang maiwasan ang posibleng pagdagsa ng  maraming tao.

“As former US Senator Orrin Hatch once said, ‘Graduation is not the end; it’s the beginning.’ Kaya nararapat lamang na bigyan ng magandang simula ang ating mga mag-aaral sa panibagong hamon sa kanilang mga buhay,” sabi ng senador.

Leave a comment