Island Garden City of Samal hinatiran ng tulong ni Senador Bong Go

Ano kaya ang ibinubulong ng batang ito kay Senador Christopher “Bong” Go habang tinatanggap ang regalong tablet para sa pag-aaral nito?

Ni NOEL ABUEL

Nanawagan si Senador Christopher “Bong” Go sa mga pamilyang residente ng Island Garden City of Samal (IGACOS) sa Davao del Norte na huwag magdalawang-isip na magtungo sa pagamutan sa sandaling makaranas ng sakit o karamdaman.

Ito ang payo ni Go nang bumisita ito sa nasabing lugar kung saan ipinaalala nito na mayroong mga ospital na handog ng gobyerno para sa mga ito.

Inihalimbawa pa nito ang Davao Regional Medical Center sa Tagum City at ang Southern Philippines Medical Center na nasa Davao City na maaaring puntahan ng mga may sakit at walang iintindihing gastos.

Giit ng senador ang Malasakit Center na one-stop shop ay magagamit ng mga pasyente para makatanggap ng tulong tulad ng medical assistance mula sa Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

“Dagdag pa rito, nakapagbukas na rin tayo ng 151 na Malasakit Center mula sa Batanes hanggang sa Jolo. Dito sa inyo sa Samal no’ng nakaraan pumasyal din ako noong tinamaan kayo ng bagyo… ang pangako ko sa inyo — magseserbisyo talaga ako,” sabi nito.

Sa pagbisita ng senador sa Samal Island, pinagkalooban din nito ng tulong ang mga solo parents, ang mga mangingisda, drivers, senior citizens, at indigent residents na patuloy na nakakaranas ng hirap dulot ng COVID-19 pandemic. Namahagi ang senador ng pagkain, food packs, vitamins, at face mask gayundin ng mga bisikleta at sapatos, tablets, hygiene kits at financial assistance sa mga benepisyaryo.

Leave a comment