Pangulong Duterte wala pa ring iniendorsong presidential bet – Sen. Go

Senador Christopher “Bong” Go

Ni NOEL ABUEL

Umapela si Senador Christopher “Bong” Go sa mga kasalukuyang opisyal ng pamahalaan na tumatakbong kandidato sa 2022 national at local elections na may obligasyon ang mga itong paglingkuran ang taumbayan.

Ayon sa senador, kailangang tiyakin ng mga kasalukuyang opisyal ng pamahalaan ang serbisyo sa taumbayan bago ang pangangampanya ng  mga ito.

Kasabay nito, pinuri ni Go ang mga kumakandidato sa eleksyon para manungkulan sa pamahalaan ngunit pinatitiyak nito na ununahin ang interes ng mga  Filipino sa sandaling manalo sa eleksyon.

“Maraming salamat po sa mga tumatakbo, sa mga public servants or future public servants. Isa lang naman po ang ating layunin, tandaan ninyo po isa lang po ang maipapayo ko sa inyo, unahin ninyo lang po ang kapakanan at interes ng mga kababayan natin, interes ng bayan natin, hinding-hindi ka magkakamali,” aniya.

Samantala, sinabi ni Go  na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring iniendorsong presidential candidate si Pangulong Rodrigo Duterte.

“I cannot speak on behalf of the President until makapagsalita  po ang ating Pangulo. Pero, hopefully po sana, in the next few days ay mayroon ho siyang maendorso pero desisyon niya po ‘yon. Matagal na ho tayong nag-aantay,” sabi nito.

Sinabi pa ni Go na una nang sinuportahan nito at ng PDP-Laban ang kandidatura nina dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte para sa presidential at vice presidential bet sa darating na eleksyon.

“Nabanggit na po ni Vice Mayor Baste. Kami naman po sa PDP, pumirma na rin po ako, mayroon na hong inendorso ang PDP,” sabi pa ni Go.

Leave a comment