Samantalahin ang tax amnesty para mabayaran ang P23B utang ng Marcoses — Moreno camp

Ni NOEL ABUEL

Iginiit ni Aksyon Demokratiko chairman Ernest Ramel kay dating Senador Ferdinand Marcos Jr. at sa pamilya Marcos na samantalahin ang estate tax amnesty program ng pamahalaan para mabayaran ang P23 bilyong estate tax na pagkakautang nito at makatulong milyun-milyong Filipino na naapektuhan ng Covid-19 pandemic at patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

“Pagkakataon ninyo na ito mga sirs mga ma’am, mga Marcoses, Marcos Jr. Meron na po kayong amnesty, bayad na po. Sige na po. Mas mapapakinabangan ito ng mas maraming Pilipino sa panahon ngayon,” sabi ni Ramel sa pulong balitaan sa Isko Moreno Domagoso for President headquarters sa Intramuros, Manila.

Tinukoy ni Ramel ang RA 11569 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo 30, 2021 na nagpapalawig sa estate tax amnesty sa loob ng dalawang taon.

Binatikos din nito ang pamilya Marcos sa pag-divert sa usapin ng tax liabilities nito tulad ng pahayag ni Senador Imee Marcos na tinawag ang kampanya ng Aksyon Demokratiko saP203B estate tax bilang “bulok na taktika.”

“Senator Imee Marcos, mas marami po kayong bulok na taktika na dineploy the past few years. ‘Yun ang pinakabulok sa lahat, ‘yung pagsisinungaling po ninyo, ‘yung ayaw ninyong pag-ako sa mga responsibilidad ninyo, ‘yung karuwagang harapin ito sa publiko. Lagi po kayong attack -pulitika lang po ‘yan, fake news lang po ‘yan, bulok po ‘yan,” sabi pa ni Ramel.

“Ang bulok ‘yung nagtatago po kayo sa katotohanan. Ang bulok ‘yung mga kalokohan na pinapakalat niyo sa social media. ‘Yun po ang kabulukan, Senator Imee Marcos,” dagdag pa nito.

Sinabi pa nito na base ito sa entry of judgement na inilabas ng Supreme Court noong Marso 9, 1999, at base sa desisyon ng High Court noong Hunyo  5, 1997 sa P23B estate tax na pagkakautang ng pamilya Marcos sa pamahalaan ay final and executory.

Simula umano nito na ang  Bureau of Internal Revenue (BIR) at ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) na tinangkang kolektahin ang P23B na umakyat na sa P203B dahil sa mga interes at penalties sa loob ng 20-taon.

“Whether P23 billion or P203 billion based on final assessment what matter most is may P23 billion kang dapat bayaran at inamin mo na na dapat bayaran. Tanong, o bayaran mo na ngayon. Kailangan ng bansa ng pera,” sabi naman ni Manila Mayor Isko Moreno na tumatakbong presidential candidate ng Aksyon Demokratiko.

Leave a comment