
Nakuhanan sa akto ang dalawang traffic officers ng Quezon City-DPOS na abala sa pagpapala at paglalagay ng lupa sa malalim na hukay sa kahabaan ng Del Monte Avenue at panulukan ng Westriverside na matagal nang nakasasagabal sa daloy ng trapiko.
Ano kaya ang masasabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH)? Dapat trabaho ninyo na ayusin ang mga sirang kalsada sa mag pangunahing lansangan tulad nito. Hindi ba nakakahiya at mga traffic enforcers pa ang nagkusa na ayusin ito.
Delikado ang malalim na hukay lalo na sa mga motorcycle riders na hindi kabisado ang nasabing lugar. Kaya nga siguro nagkusa na ang hindi nakilalang traffic enforcer na ayusin ito bago pa makapagdulot ng disgrasya.

