NPC sa Tarlac inendorso ang BBM-Sara UniTeam

Ni NOEL ABUEL

Mainit ang naging pagtanggap ng mga lider ng Nationalist People’s Coalition (NPC) sa Tarlac ang kandidatura nina UniTeam presidential-vice presidential tandem nina dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte.

Dito ay inendorso ng NPC sina Marcos at Duterte sa meet-and-greet sa mga lokal at sectoral leaders na inoranisa para kay UniTeam by Gov. Susan Yap at kapatid nitong Rep. Victor Yap, na kapwa miyembro ng NPC sa Diwa multi-purpose center sa nasabing lalawigan.

Ang koalisyon ay itinatag ng namapayang business tycoon na si Eduardo Cojuangco Jr. na ngayon ay pinamumunuan ni Senate President Vicente Sotto lll.

Sinabi ni Rep. Yap na ang kapatid nitong gobernador, na party leader sa kanilang lalawigan ay binigyang laya na mamili kung sino ang susuportahan ng mga ito sa presidential at vice presidential candidates.

“Ako po ay naatasan na magsalita ng isang commitment ng partido, ng NPC sa aming lalawigan. Si governor kinausap lahat ng mga miyembro ng (NPC) Tarlac, pati ang mga pamilyang kinikilala natin dito tulad ng mga Cojuangco. Kinausap din niya ang mga leader ng partido upang ibigay ang laya na tayo ay sumunod na dito sa (BBM-Sara) tandem,” sabi ng kongresista.

Sa nasabing pagpupulong, mismong ang kongresista ang nagpakilala kay Marcos na tinawag nitong “best candidate” para maging pangulo sa May 9 elections.

“Nakita ko ang kasimplehan niya, nakita natin sa kanyang pagkakandidato ngayon ang laman ng kanyang mga programa sa larangan ng investments, infrastructure, agrikultura, social services, digital infrastructure. Ako ay bilib sa mga modelo nila,” sabi ni Yap, na chairman ng House committee on information and communications technology.

Sa panig naman ni Gov. Yap, pinasalamatan nito si Mayor Duterte at Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa tulong na ibinigay nito sa Tarlac sa pamamagitan ng mga infrastructure projects.

“Gusto ko muna magpasalamat sa kanya (Mayor Sara) at sa kanyang ama dahil po tayo sa Tarlac, hindi po nila pinabayaan, marami po tayong mga building projects under the Build, Build Build (program). I feel the warmth of this administration and it is my responsibility to really campaign hard for her, no other than ang aking minamahal at nakilala ko Mayor Sara Duterte,” sabi pa ng gobernardor na nagpakilala naman kay Mayor Duterte.

Samantala, ang iba pang kandidato ng UniTeam ay nagsagawa ng hiwalay na pangangampanya sa Tarlac City at mga bayan ng Capas at Paniqui.

Leave a comment