Oil price rollback ipinatupad ngayon

Ni MJ SULLIVAN

Nagpatupad na ng bawas presyo ng mga  produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bunsod ng pababa ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.

Sa pag-iikot ng OnlineBalita.com, nagpatupad ng bawas presyo ang Shell, Cleanfuel, Petro Gazz, SeaOil, Caltex, at Metro Oil, sa diesel ng P1.85 bawat litro, habang ang kanilang gasolina ay nabawasan ng P2.30 ang bawat litro.

Samantalang ang kerosene naman na ng Shell, SeaOil, Caltex, at Metro Oil ay nabawasan ang presyo ng P1.65 kada litro.

Inaasahan naman na susunod na ring magbaba ng presyo ang iba pang kumpanya ng langis tulad ng Caltex at Cleanfuel.

Ang rollback ay matapos ideneklara ni United States President Joe Biden ang pagpapalabas ng lana mula sa kanilang strategic petroleum reserve.

Bago nito, sunud-sunod ang pagtaas ng presyo ng langis kung saan umabot pa ito sa mahigit P12.00 ang itinaas sa diesel at gasoline dahil na rin sa patulyo na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Leave a comment