Survey firms hinamon ni Senate President Vicente Sotto III

Ni NOEL ABUEL

Hinamon ni Senate President Vicente Sotto III ang mga survey firms na patunayan na walang pananagutan ang mga ito sa dinaranas na kahirapan ng mga Filipino.

Ayon kay Sotto, kung nagagawa ng mga survey firms na ikondisyon ang isip ng mga tao kung sino ang posibleng susunod na pangulo ng bansa ay dapat ding managot ang mga ito kung mabibigong maiahon sa kahirapan ang maraming Filipino.

“If surveys are used to condition the minds of our people on who should be elected as the next leader, then polling firms should also be held answerable to the plight of majority of our people who continue to live under terrible conditions,” giit ni Sotto.

Inihalimbawa pa nito ang survey ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon na nakatulong para maiahon sa kahirapan ang taumbayan. “’Yung mga nanalo sa survey noong nakaraang eleksyon, may nagawa ba para umunlad ang bansa? May katiyakan ba na mababawasan ang mahirap kung sila nga ang mananalo? Ano ang kanilang naging ambag para umunlad ang buhay ng mga Pilipino?” pag-uusisa pa ni Lacson sa mga survey firms.

Leave a comment