Kaligtasan ng mga estudyante pinatitiyak ng senador sa gobyerno at school officials

Ni NOEL ABUEL

Pinatitiyak ni Senador Christopher “Bong” Go sa gobyero at mga  school officials na mababantayan at sisiguruhin ang kapakanan ng mga estudyante sakaling matuloy na ang pagpapatupad ng face-to-face classes sa bansa.

“Hinihimok ko pa rin ang gobyerno at mga school officials na siguraduhin ang kapakanan at kalusugan ng ating mga estudyante habang unti-unti na pong nagbubukas ang mga paaralan sa bansa. Sa ngayon, kalusugan at buhay ng mga estudyante ang aking prayoridad. Importante na tuluy-tuloy ang kanilang pag-aaral at hindi nailalagay sa panganib ang kanilang mga buhay,” sabi ni Go.

Ang pahayag ni Go, chairman ng Senate Committee on Health ay ginawa sa paglulunsad ng national BIDA Kid COVID-19 prevention campaign kung saan iginiit nito na dapat na maging disiplinado ang lahat ng Filipino at makipagtulungan sa pamahalaan para maabot na ang normal na sitwasyon ng bansa.

“My dear Filipinos, let us not put our guards down. Indeed, the pandemic has been a great challenge for the education sector but as long as we remain disciplined, I am confident that we, as one nation, will defeat the health crisis we are facing today and we will soon return to normalcy,” sa video message nito.

Layon ng nasabing kampanya na hikayatin ang mga mag-aaral, guro at iba pang education stakeholders na patuloy na magsanay ng mga alituntunin sa COVID-19 health at safety guidelines sa mga paaralan at sa mga pampublikong lugar.

Partikular na naging laman ng kampanya ay kahalagahan ng 3Bs o  ang Bakuna, Bayanihan, BIDA (Bestfriend natin ang masks, Ingatan at hugasan ang kamay, Dumistansya upang makaiwas sa sakit, Airflow ay panatilihin).                

Sa datos ng DepEd, mula Abril 4, 17,479 public at private schools ang nominado ng mga  regional offices nito na lumahok sa pagpapalawak ng face-to-face classes.

Leave a comment