Malalayo at liblib na lugar suyurin sa bakuna – Sen. Go

Senador Christopher “Bong” Go

Ni NOEL ABUEL

Dapat na suyurin ng Department of Health (DOH) at ng mga local government units (LGUs) ang pinakaliblib na lugar sa bansa upang hindi  masayang ang bakuna laban sa COVID-19.    

Ito ang payo ni Senador Christopher “Bong” Go bilang tugon sa pahayag ni DOH Health Secretary Francisco Duque III sa ginanap na Talk to the People Address ni Pangulong Rodrigo Duterte na malapit nang mag-expire ang mga COVID-19 vaccines.

“Kung kailangang suyurin ang bawat bahay sa mga pinakaliblib na lugar sa bansa ay gawin natin. Huwag na nating pahirapan pa ang ating mga kababayan, lalo na ang mga matatanda at mga nakatira sa malalayong lugar,” sabi nito.

Samantala, iginiit din ni Go na dapat na igalang at irespeto ng DOH ang karapatang-pantao ng mga indibiduwal na sadyang ayaw magpapabakuna at sa halip ay dapat na gumawa ng hakbang para makumbinse ang mga itong magpabakuna na.

“My position remains the same. While it may be ideal to make vaccination mandatory, government in all levels must exert more effort to convince the unvaccinated to get their COVID-19 shots as soon as possible,” ani Go.

Ngunit, apela rin ng senador sa publiko  na dapat na maunawaan na moral obligation ng lahat na tiyakin na ligtas sa anumang sakit ang komunidad at ang buong bansa.

“While we respect the right of our people to decide for themselves on this matter, we have to make them realize that it is everyone’s moral obligation to keep our communities safe!. Hindi man natin mapilit ang lahat na magpabakuna, dapat may sapat na kaalaman at insentibo ang mga tao para hindi na sila mag-alinlangan pa dahil bakuna talaga ang tanging susi o solusyon para malampasan ang pandemya,” paliwanag pa ng senador.

“We should make vaccination as accessible as possible for everyone given that we have sufficient supply that should not go to waste,” dagdag nito.

Ayon sa DOH, 1.54 porsiyento ng kabuuang bilang ng COVID-19 vaccines na nai-deliver sa bansa ang natapos na at karagdagang 27 milyong doses pa ang mag-e-expire sa buwan ng Hulyo.  “Para naman sa hindi pa bakunado, huwag n’yo pong sayangin ang oportunidad na maproteksyunan kayo laban sa sakit. Nasa datos naman na maiiwasan ang malubhang epekto o kamatayan na dulot ng COVID-19 kung ikaw ay bakunado. Ito ang tanging paraan para mabuhay tayo nang ligtas kahit may banta pa ng COVID-19,” panawagan pa ni Go sa mga ayaw pa ring magpabakuna.

Leave a comment