
Ni NOEL ABUEL
Daan-daang mga siklista sa iba’t ibang lugar sa bansa ang lumahok sa “1-4-Alan Peter Cayetano Bike Caravan” bilang pagpapakita ng suporta kay dating House Speaker Alan Peter Cayetano na tumatakbong senador sa darating na halalan.
Ngayon umaga inilunsad ng kani-kanilang mga caravanng mga taga-suporta ni Cayetano sa Quezon City, Maynila, Pasay City, Mandaluyong, Santiago sa Isabela, Bulacan, Olongapo sa Zambales, Imus sa Cavite, Calamba sa Laguna, Albuquerque at Tagbilaran sa Bohol, Pagadian sa Zamboanga, Iligan sa Lanao del Norte, at Tagum sa Davao del Norte.
Pinamunuan at inorganisa ng ilan sa pinakamalalaking cycling groups ang nationwide caravan na umaabot sa daan-daanng mga lokal na miyembro, tulad ng Universal Cycling Network (UCN) sa Cavite, multisports group na TriZurKamesa sa Pagadian, at Kasabike Iligan sa Iligan.
Lumahok din sa caravan ang ilan sa mga mayor at barangay chairman ng kani-kanilang lokalidad.
“We just really want to thank Sir Alan Peter Cayetano. From medical assistance, to mobile clinics, sa ambulance, pati sa infrastructure, handang tumulong si Sir Alan,” pahayag ni Pagadian City Councilor at Sports Committee Chairman Sam Tyra Co.
Nagpaabot din ng suporta at pasasalamat ang mga naging benepisyaryo ng Sari-saring Pag-asa program na inilunsad ni Cayetano sa mga lokalidad na nagdaos ng bike caravan.
Ito na ang pangatlong nationwide caravan na inilunsad ng mga taga-suporta ni Cayetano bilang pakikiisa sa eco-friendly campaign nito.
Buwan ng Pebrero nang ihayag ng dating Speaker ang desisyon nitong magkaroon ng isang eco-friendly at lead-by-example campaign ngayong eleksyon, kung saan hindi ito magsasagawa ng mga motorcade na maaksaya aniya sa gasolina at makadadagdag sa polusyon.
Hindi rin ito gumagamit ng mga printed material gaya ng mga poster, flyer, at tarpaulin para hindi na aniya makadagdag sa tone-toneladang basurang naiipon tuwing eleksyon.
Sa halip, hinikayat ng dating House Speaker ang kanyang mga taga-suporta na magtanim ng mga puno at mangrove, magtayo ng mga urban farm, at gamitin ang social media bilang mga alternatibo sa tradisyunal na pangangampanya.
Dahil dito pinuring iba’t ibang environment groups ang panawagan ng dating Speaker tulad ng EcoWaste Coalition dahil nagpapahayag anila ito ng “malalim na pagkalinga sa kalikasan at mahalagang mission na gawing mas malinis, ligtas, at maayos ang kampanya hanggang sa araw na halalan .
Ayon kay Cayetano, na nangunguna pa rin sa pinakabagong survey ng Pulse Asia para sa mga kandidato sa pagka-Senador, isusulong niya ang isang “faith-based at values-oriented na pamumuno” sa Senado.
