Pre-shaded na balota itinanggi ng Philippine Consulate sa Dubai at Philippine Embassy sa Singapore

Ni NERIO AGUAS

Naglabas ng paglilinaw ang Philippine Consulate sa Dubai hinggil sa umano’y  insidente ng pamamahagi ng “pre-shaded” ballots sa nasabing bansa o ng kahit na anong insidente na katulad nito.

Sa isang inilabas na pahayag ng konsulado, binigyan-diin nito na wala umanong namataan na anumang iregularidad ang mga saksing poll watchers mula sa magkakaibang political party na dumalo sa buong panahon ng pagboto.

Tiniyak din ng konsulado sa publiko na recorded at agad nilang ipararating sa Commission on Election (Comelec) ang ulat at para sa kaukuluang aksyon kung sakaling mayroong naganap na ganitong klaseng mga pangyayari.

Ipinaliwanag din nito na ang iba’t ibang mga pamamaraan upang matugunan ang mga kaparehong sitwasyon tulad ng pagsasabi ng mga botante sa ng kanilang concern sa election boards.

Samantala, tinataya naman na nasa mahigit 3,000 ang bilang ng mga Pilipinong botante ang nakibahagi sa naturang overseas absentee voting.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Ambassador Hjayceelyn Quintana sa lahat ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na nakiiisa at boluntaryong nagserbisyo bilang poll watchers sa nasabing eleksyon.

Ganito rin ang sinabi ng Philippine Embassy sa Singapore na itinanggti na may ipinamimigay silang mga balota na “pre-shaded” na.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa kumakalat umano na mayroong isang OFW ang nakatanggap ng balota na “pre shaded” na nang bumoto ito sa nasabing embahada sa ilalim ng kasalukuyang umiiral na overseas absentee voting para sa Halalan 2022.

Sa isang statement ay nilinaw ng embahada na hindi sinasadyang mabigyan ng “spoiled ballot” ang isang botante.

Iginiit naman nito na tanging “isolated case” lamang ang nangyari at tiniyak sa publiko na lubos itong nakatuon sa pagbibigay ng honest at orderly overseas absentee voting na nagtataguyod naman sa integridad ng voting process sa Pilipinas.

Leave a comment