
Ni NOEL ABUEL
Pinuri ni Senador Francis ‘Tol’ N. Tolentino ang naging desisyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na paigtingin ang vaccination drive nito laban sa COVID-19 virus.
Ginawa ni Tolentino ang pahayag kasunod ng pahayag Ministry of Health ng BARMM na target ng regional government nito na mabakunahan pa ang nasa 215,000 residente ng 71 lokalidad na tinukoy may mababang antas na pagbabakuna.
Ayon sa senador, malaking bagay ang gagawing aksyon ng BARMM dahil makakatulong ito para maabot ng bansa ang herd immunity maliban pa na hindi masasayang ang mga bakuna na sinasabing malapit nang mag-expire.
“We laud the BARMM government for this innovative effort especially that millions worth of vaccines are set to expire. Inutang pa po natin ang pinangbili ng mga bakunang ito kaya dapat lang na walang masayang sa mga ito,” sabi ni Tolentino.
Sa pahayag ng Ministry of Health ng BARMM na isasagawa ang special vaccination days sa pagtatapos ng Ramadan at sa susunod na buwan.
Ani Tolentino, chairman ng Senate Committee on Local Government nagpasalamat ito kina BARMM Chief Minister Ahod ‘Al-hajj Murad’ Ebrahim at acting Health Minister Dr. Zul Qarneyn Abas sa ipinarating na COVID-19 response ng nasabing rehiyon.
Sinabi ng senador na nabahala ito sa lumabas na ulat na low vaccination rate sa naturang rehiyon kung saan 1.4 million dose ng COVID-19 vaccine brands pa lamang ang naibigay sa kabila n gang populasyon ng BARMM ay nasa 4.1 milyon.
