
NI NERIO AGUAS
Ikinalungkot ni Cardinal Luis Antonio Tagle ang pagpatay sa 7-katao sa loob ng isang Caritas center na kinubkob na lungsod ng Mariupol sa Ukraine ng mga sundalo ng Russia.
Ayon kay Cardinal Tagle, ang pangulo ng Caritas Internationalis, na Vatican-based umbrella body ng Catholic relief groups sa buong mundo na labis itong nakaramdam ng pagkalungkot at pagkabigla sa nalamang balita.
“Caritas Internationalis expresses its profound sympathies and closeness to the families of those who lost their lives and were wounded,” sabi ng Tagle sa ulat ng Vatican News.
“Our sadness turns into an appeal to the international community to exert every effort to bring this violence to an end, to return to dialogue, and to see a brother and sister in every person,” dagdag nito.
Sa ulat, pinaulanan ng bala ng Russian tank ang Caritas center sa Mariupol na agad na ikinasawi ng dalawang empleyado nito at limang miyembro ng isang pamilya na nagtatago lamang sa gusali.
Nabatid na ang nasabing tanggapan ay pinatatakbo ng Caritas Ukraine, na isang charitable organization at binabantayan ng Ukrainian Greek Catholic Church.
“We need your solidarity and prayers for the families of the victims, for the community of Caritas Mariupol, and the community of Caritas Ukraine,” ayon kay Tetiana Stawnychy, ang pangulo ng Caritas Ukraine.
