Pagcor kinastigo ng senador sa e-sabong operations sa Good Friday

Si Senador Francis Tolentino habang naglilitanya sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) sa pagpayag na mag-operate ang e-sabong kahit Biyernes Santo sa pagpapatuloy na pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drug.

Ni NOEL ABUEL

Mariing kinastigo ni Senador Francis “Tol” Tolentino ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) sa pagpayag nito na mag-operate ang e-sabong o online cockfighting kahit panahon ng Holy Week.

Sa ikaapat na pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drug, hinggil sa pagkawala ng 34 na sabungero,  hindi naitago ni Tolentino ang labis na pagkadismaya sa Pagcor dahil sa hindi nito pinigilan ang operasyon ng e-sabong kahit panahon ng Lenten season na karamihan ng mga Filipinong Kristiyano ay nagdiriwang.  

“Why is e-sabong open on Good Friday? pag-uusisa ni  Tolentino na nagsabing nagsisinungaling ang Pagcor sa sinasabi nitong nire-regulate nito ang online gambling game.

 “There should be a semblance of respect for our traditions. I ask Pagcor why this happened… I took note of the fact that all Pagcor casinos were closed, out of respect for the Good Friday commemoration,” sabi pa ni Tolentino.

Samantala, sinabi ni Tolentino na aabutan ng ilang linggo o buwan upang makagawa ng isang batas sa 19th Congress na magpapakita hindi lamang sa mga pangangailangan ng panahon kung hindi maging sa malalim na pagkakasugat ng karakter bilang isang bansang Kristiyano.

Leave a comment