
Ni NERIO AGUAS
Magandang balita para mga Filipino na skilled workers na nagnanais na magtrabaho sa bansang Germany.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, kasalukuyang may negosasyon ang Pilipinas at German governments para sa bagong labor agreements na magbubukas ng pintuan para sa mga Filipino skilled workers.
Magugunitang una nang binuksan ng Germany ang trabaho para mga Pinoy nurses sa ilalim na Triple Win Program kung saan isa pang labor agreement ang pinag-uusapan para sa 31 skilled workers.
Tinukoy na sektor na unang nangangailangan ng manggagawang Pinoy ang hotel service, electrical engineering, mechanics, sanitation, heating and air conditioning, at child care.
Umaasa si Bello na tuluyan nang pormal na malalagdaan ang panibagong labor agreements upang mas maraming overseas Filipino workers (OFWs) ang makinabang sa trabaho sa bansang Germany.
“We are hopeful that the two agreements could come to fruition within the term of President Duterte and mark a significant milestone in the history of Philippine-German bilateral relations,” sabi ni Bello.
“Since 2013, we have deployed around 1,811 nurses under the Program, which is exempted from the cap on the overseas deployment of Filipino healthcare workers,” dagdag pa nito.
Ang Bertelsmann Stiftung Foundation ang nagpopondo sa laboratory sa pamamagitan ng kasunduan ng Pilipinas at ng German agencies sa ilalim ng Triple Win Program-Global Skills Partnership program.
