German national kalaboso ng BI

Ni NERIO AGUAS

Nakatakdang ipatapon palabas ng bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang isang German national na wanted sa bansa nito kaugnay ng patung-patong na kaso.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, Disyembre ng nakalipas na taon nang amagpalabas ang ahensya ng summary deportation laban sa dayuhang si Lindner Hans Dieter, 76-anyos, dahil sa pagiging undesirable alien.

“We will immediately send him out of the country, as it has already been proven that he is an undesirable alien due to his crimes.  He has been placed in our blacklist and banned from reentering the Philippines,” sabi ng BI chief.

Una nito, nadakip si Dieter ng mga tauhan ng fugitive search unit (FSU) sa Bgy. Parada, Valenzuela City sa bisa ng warrant of deportation na inilabas ng BI.

Sa record ng BI, Nobyembre 2, 2016 nang dumating sa Pilipinas si Dieter at mula noong ay nagtago na sa bansa kung kaya’t idineklara itong overstaying.

Base sa impormasyon mula sa German authorities, si Dieter ay may outstanding arrest warrant na inilabas ng public prosecutor’s office sa Heidelberg, Germany noong Oktubre  20, 2020.

Nahatulan ito ng korte noong Nobyembre 2013 sa kasong banking and financial Fraud and delayed filing of insolvency and bankruptcy declaration.

Kasalukuyang nakadetine sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ang nasabing dayuhan habang inihahanda ang kaukulang papeles para sa deportasyon nito.

Leave a comment