Solon umapela sa Comelec: Madaliin ang pamamahagi ng fuel subsidy sa PUV

Senador Win Gatchalian

Ni NOEL ABUEL

Umapela sa Commission on Elections (Comelec) si Senador Sherwin Gatchalian na madaliin ang desisyon sa usapin ng pamamahagi ng fuel subsidy program ng pamahalaan sa panibagong banta na naman ng oil hike sa susunod na linggo.

Ayon sa senador, dalawang linggo na ang nakalilipas nang katigan ng Comelec ang petisyon ng  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na i-exempt ang pamamahagi ng ayuda sa mga driver ng pampublikong sasakyan.

“Two weeks have passed since the Commission on Elections (COMELEC) has granted the Land Transportation Franchising and Regulatory Board’s (LTFRB) petition to exempt the distribution of the government’s fuel subsidy program from the election ban. Yet the poll body has not signed the official document up to this time,” sabi ni Gatchalian.

“Patapos na ang buwang ito ngunit hindi pa naisasakatuparan ang unang bugso ng ipinangakong ayuda sa maraming mga benepisyaryo. Dahil dito ay naantala na rin ang pangalawang bugso na dapat sana’y napapakinabangan na nila ngayon,” dagdag pa nito.

Paliwanag pa ng senador na sa bawat araw na naantala ang pamamahagi ng fuel subsidy cards ay katumbas nito ay nababawasan ang kinikita ng mga tsuper.

“Ang bawat araw na pagkaantala sa pamimigay ng fuel subsidy cards ay katumbas ng nababawasang kita ng mga tsuper na inuuwi nila sa kanilang pamilya lalo na’t kailangang punan ang kanilang boundary,” ayon pa dito.

“I appeal to the COMELEC to act on this matter as oil prices are seen to rise anew,” giit ni Gatchalian.

Leave a comment