Lacson-Sotto, tiwala sa vote swing sa Mayo

Ni NOEL ABUEL

Umaasa ang tambalan nina presidential aspirant at Senador Ping Lacson at vice presidential bet nitong si Senate President Vicente Sotto III na magkakaroon ng vote swing sa darating na halalan sa Mayo.

“Ang isip pwedeng magpalit even in a split second. Pagpasok mo sa polling booth, pwedeng magbago ang shi-shade-an mo because nakapag-discern ka. That’s the reason why ‘yun ang panawagan naming lahat sa voters, maging discerning. Tignan kung sino ang pinaka-qualified, pinaka-competent, pinaka-experienced,” ani Lacson.

Sinabi naman ni Sotto na marami pang pwedeng mangyari sa loob ng tatlo hanggang apat na araw bunsod ng teknolohiya at 24/7 na balita.

“Because of technology iba na ngayon eh. Ang bilis nang makarating ng mga balita, mabilis din magbago ang isip ng mga kababayan natin. Double digit ika nga difference can be overcome in a matter of days,” ani Sotto.

Base sa nakaraang nationwide survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD), nakakuha si Lacsok ng 7 percent share habang 40 percent naman ang nakuhang voter support ni Sotto, pangalawa kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na nakakuha ng 51 percent.

Ipinahayag naman ni Lacson na handa itong makipag-debate kanino man para mapatunayan kung sino ang pinakakuwalipikado na maging susunod na lider ng bansa.

“I am willing to debate with anyone kung may mag-a-argue kung sino ang pinaka-qualified, pinaka-competent, among all of us,” saad ng independent presidential candidate. Muli namang binigyang diin ng Lacson-Sotto na ang maling desisyon sa pagboto ay magreresulta sa anim na taong pagdurusa.

Leave a comment