Overstaying na Korean lady arestado ng BI

Ni NERIO AGUAS

Arestado ng mga operatiba  ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babaeng Korean na overstaying at illegal  na nagtatrabaho sa bansa.

Kinilala ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. ang naarestong dayuhan na si Lee Mikyong, 52-anyos, na naaktuhang nagtatrabaho sa isang food mart sa kahabaan ng Alabang Zapote Road sa Las Pinas City.

Nabatid na armado ng mission order na inilabas ni BI Commissioner Jaime Morente, isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon na si Lee ay isa nang overstaying alien at illegal pang nagtatrabaho nang walang kaukulang permit at visa.

“Upon verification, it was confirmed that her visa has already lapsed, and that she was indeed working there illegally.  She was also unable to present any documentation, thus is considered an undocumented alien,” sabi ni Manahan.

Sa panig naman ni Morente, binalaan nito ang lahat ng dayuhan na nasa bansa na palaging sumunod sa itinatakdang immigration laws upang maiwasan na magkaroon ng problema sa pananatili sa bansa. 

“As the Philippines opens its borders, more foreigners are expected to come in.  Do not abuse the country’s hospitality.  Legalize your stay lest face arrest, deportation, and blacklisting,” ani Morente.

Kasalukuyang nakadetine sa holding facility ng BI sa Bicutan, Taguig si Lee habang inihahanda ang papeles para sa pagpapatapon dito pabalik ng South Korea.

Leave a comment