Bureau of Immigration main office binulabog sa ‘pagsabog’

NI NERIO AGUAS

Binulabog ang mga empleyado ng Bureau of Immigration (BI) matapos ang pagsabog ng isang air-condition unit sa ikalawang palapag ng nasabing gusali ngayong hapon.

Ganap na alas-1:40 ng hapon nang mabulabog ang mga empleyado na nasa commissioner’s office sa 2nd floor nang makaranig na malakas na pagsabog sa labas ng gusali kung saan nakalagay ang naglalakihang mga air-conditioned unit.

Kasunod nito ay agad na naglabasan papalabas ng gusali ng BI ang iba pang mga empleyado sa pangambang magdulot ito ng malaking sunog ngunit makalipas ang ilang oras ay walang nakitang anumang usok at apoy.

Agad namang dumating ang mga fire trucks ng Bureau of Fire Protections (BFP) at agad na siniyasat ang pinagmulan ng insidente.

Makalipas ang halos 30-minuto ang agad na idineklarang fire under control ang sunog at wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa insidente.

Agad namang nagbalik sa normal na operasyon ang BI matapos matiyak na ligtas na.                

Isinusulat ang balitang ito ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP.   

Leave a comment