
NI NOEL ABUEL
Nagpasalamat si Senador Christopher “Bong” Go kay Pangulong Rodrigo Duterte sa paglagda sa Republic Act No. 11708 na naglalayong magtatag ng Metropolitan Davao Development Authority (MDDA) na malaking tulong para maisaayos ang mga rehiyon sa Mindanao.
Ayon kay Go,na may-akda at co-sponsored ng nasabing panukala, sinisiguro nito sa mga Mindanaoans partikular sa mga Davaoeños, na ang MDDA ay magpapahusay sa koordinasyon sa pagitan ng mga local government units (LGUs) ng Davao City at kalapit-lugar nito na magdudulot ng mas mahusay na pagde-deliver ng public services at integrated development planning.
“Considering the rapid urbanization of Davao City and increasing population of the cities of Panabo, Tagum, and the Island Garden City of Samal in Davao del Norte, napaka-traffic na po sa ngayon; the City of Digos in Davao del Sur, papunta po kanila (Senator) Bato; and the City of Mati in Davao Oriental, papunta rin po sa amin; and the municipalities of Sta. Cruz in Davao del Sur, Carmen in Davao del Norte, Maco in Davao de Oro, and Malita in Davao Occidental, it is imperative that we create an agency which can centralize and oversee the development efforts and initiatives that deal with the challenges faced by Davao,” paliwanag pa ni Go.
Aniya, tutulong ang MDDA sa pagtugon sa lumalaking pangangailangan ng Davao City at mga kalapit na lugar sa pamamagitan ng mga serbisyong ibibigay nito.
Kabilang umano dito ang pagpaplano ng pagpapaunlad, pamamahala sa transportasyon, solid waste disposal and management, urban zoning, land use planning, shelter services, health at sanitation, gayundin ang kaligtasan ng publiko.
Magiging sakop ng hurisdiksyon ng MDDA ang Davao City at mga syudad ng Panabo, Tagum at ang Island Garden City of Samal sa Davao del Norte; ang Lungsod ng Digos sa Davao del Sur; ang Lungsod ng Mati sa Davao Oriental; at mga munisipalidad ng Sta. Cruz, Hagonoy, Padada, Malalag at Sulop sa Davao del Sur; Carmen sa Davao del Norte; Maco sa Davao de Oro; at Malita sa Davao Occidental.
Ang uupong governing board at policy-making body ng MDDC ay bubuuin ng chairperson ng Regional Development Council-Region XI, ng mga gobernador ng limang probinsya, ng anim na city mayors, at siyam na municipal mayors.
