
Ni NERIO AGUAS
Bumagsak na sa kamay ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Nigerian national na nasa likod ng cyber-hacking incident noong nakalipas na Disyembre ng nakarang taon.
Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang naarestong dayuhan na si Henry Chidi Obioma, 27-anyos, ng mga operatiba ng BI intelligence agents noong Abril 21.
Nabatid na isinagawa ang operasyon sa isang residential area sa Las Pinas City matapos makatanggap ng impormasyon na illegal itong nagtatrabaho nang walang kaukulang visa at working permit.
Sangkot din ito sa online banking fraud na nakaapekto sa nasa 700 kliyente ng mga major banking institution.
Nang dakpin si Obioma, nabigo itong makapagpakita ng anumang immigration documents kung kaya’t awtomatiko itong undocumented alien. “Scammers and fraudsters are not welcome in the country. These aliens will definitely arrested, deported, and blacklisted for being undesirable,” sabi pa ni Morente.
