Ni NOEL ABUEL
‘HINDI KAILANMAN MANGYAYARI’
Ito ang tugon ng kampo ni presidential candidate at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa hamon ni Vice President Leni Robredo na debate.
Sa inilabas na kalatas ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, hindi anila tinatanggap ang hamon dahil sa mga umano’y ‘kadahilanang alam na raw ni ito ni Robredo’.
Ayon pa kay Rodriguez, nauunawaan anila ang kabiguhan ni Robredo na maka-debate si BBM.
Sa kabila nito, nainiwala raw sila na mayroong magkakaibang paraan ng pakikipagtalastasan sa mga Pilipino ang dalawang presidential candidates.
Muli rin nitong sinabi na pananatiliin pa rin ng UniTeam ang ‘positive campaigning’.
Giit nito, puro negatibo at panlilinlang umano ang ginagawa ng ‘kampo ng dilawan’.
Bago ito, una nang sinabi ni VP Robredo na hindi ito makadadalo sa last-minute COMELEC panel interview para makasama nito ang kanyang mga volunteers sa pangangampanya ngunit hinamon nito ang katunggaling si BBM sa isang debate para mabigyan ito ng pagkakataon na maipaliwanag ang mga kontrobersiyang bumabalot sa dating senador.
Ganito rin ang hamon ni Senador Kiko Pangilinan kay Marcos at kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte na dumalo sa debate dahil dahil bukod tangi ang mga ito sa lahat ng mga kandidato na hindi kailanman nagpakita sa mga debate.
“Paalala na tayo ay nanliligaw sa mga botante kaya marapat lamang na harapin natin sila upang malaman nila kung ano ang plano natin para sa Pilipinas. Madalas ang mga hindi nagpapakita ay may mga itinatago. Mayroon kayang itinatago ang kampo ng Marcos-Duterte? Patunayan niyong wala” sabi ni Pangilinan.

