
NI NOEL ABUEL
Malaki ang tiwala ni Senador Christopher “Bong” Go na magdadala ng parangal at medalya ang mga Filipino athletes na lalahok sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam at maipagtatanggol ang korona sa nasabing patimpalak.
Kasabay nito, pinuri ni Go si Philippine Sports Commission (PSC) chairperson William Ramirez sa dedikasyon at suporta nito sa Philippine sports at sa mga Filipinong atleta.
“I extend my warmest felicitations to our national athletes and to the Philippine Sports Commission headed by Chairperson William Ramirez for their hard work, dedication and commitment to Philippine sports,” pahayag ni Go, chairman Senate Sports Committee sa video message na send-off ceremony para sa mga SEA Games-bound athletes noong nakalipas na Abril 28.
Ayon sa senador, naniniwala ito sa 987 Philippine delegates dahil sa ipinakitang disiplina at pagtitiis sa masusing pagsasanay para sa paghahanda sa nasabing regional sports meet na magaganap mula Mayo 12 hanggang Mayo 23.
“As Chair of the Senate Committee on Sports, it is with great pride and honor that I express my sincerest gratitude and appreciation to each and every one of you, for showing your undying devotion to our country through sports, and for upholding the true spirit of patriotism,” sabi nito.
Sa pagkilala sa dedikasyon ng mga atleta, tiniyak ni Go na mananatili itong matatag sa pagtataguyod para sa kapakanan at interes ng mga atleta Filipino.
Sinabi rin ng senador na palagi rin aniya nitong ipinagmamalaki ang mga atletang Filipino anuman ang maging resulta sa kompetisyon.
“Your sacrifice and commitment is something we are truly grateful for. Maraming salamat sa pagpapakita ng inyong angking galing sa larangan ng sports,” aniya pa.
Nabatid na ang Pilipinas ang kasalukuyang defending champion ng SEA Games matapos manaig noong 2019 kung saan nakakuha ang bansa ng 149 gold, 177 silver, at 121 bronze medals.
