Cayetano nagpasalamat kay PRRD sa pagpigil sa operasyon ng e-sabong

Rep. Alan Peter Cayetano

Ni NOEL ABUEL

Nagpahayag ng pasasalamat si dating House Speaker Alan Peter Cayetano kay Pangulong Rodrigo Duterte sa tuluyang pagpapatigil sa operasyon ng e-sabong sa bansa na patunay na mas pinahahalagahan ng pamahalaan ang Filipino values.

“We want to thank God for molding our nation. We want to thank the President for hearing the effect on the values of our next generation. Maraming maraming salamat, Mr. President,” sabi ni Cayetano na matagal nang nanawagan na itigil ang e-sabong operations dahil sa maraming kabataan na ang nalululong sa nasabing sugal.

Sa kanyang “Talk to the People” address, sinabi ni Duterte na hindi na maganda ang idinudulot ng e-sabong sa bawat tao at sa pamilya kung saan nakarating na rin umano sa kanya na ilang indibiduwal ang gising ng 24-oras para magsugal ng e-sabong.

Nagbabala rin si Cayetano noong nakaraang buwan na ang online forms ng sugal ay ginagawang available na 24/7 kung kaya kinailangan nang higpitan ang pag-access dito partikular ng mga kabataan.

Setyembre 2021 nang tutulan ni Cayetano sa Kamara ang prangkisa ng unang e-sabong operator sa bansa.

Simula noon ay nagdagdagan pa ang bilang ng mga licensed operators na naging 7 ang bilang at ang mga ito ay Belvedere Vista Corp., Lucky 8 Star Quest Inc., Visayas Cockers Club Inc., Jade Entertainment and Gaming Technologies Inc., Newin Cockers Alliance Gaming Corp., Philippine Cockfighting International Inc. atGolden Buzzer Inc.

“Sa totoo lang sometimes I felt like a voice in the wilderness because I kept talking against e-sabong even when some people were telling me to stop kasi may nagagalit na daw,” ani Cayetano.

“But President Duterte’s decision solidifies our position that e-sabong is harmful to the people and to the nation. What the government earns from these online gambling operations pales in comparison to the losses the people incur in terms of gambling debt, crime, the breakup of families, and much much more,” dagdag nito.

Pinasalamatan din ng dating Speaker ang mga taong kasama nito sa paglaban sa e-sabong partikular na ang faith-based groups na patuloy na nagpahayag ng pagtutol sa nasabing online activity.

Nagpahayag din si Cayetano sa Senado na nagsagawa ng imbesigasayon laban sa e-sabong  kung saan dininig ang pagkawala ng 34 sabungero.

“Maraming salamat sa inyong lahat. Malaking victory ito para sa mamamayang Pilipino na matagal nang nakikita ang danger sa e-sabong,” ayon pa kay Cayetano na tumatakbo sa pagkasenador ngayong May 9 elections.

Leave a comment