
Ni NOEL ABUEL
Iginiit ni dating House Speaker at senatorial candidate Alan Peter Cayetano na ayaw muna nitong isipin na target nito ang pinakamataas na lider ng Senado sa sandaling pormal itong manalo sa eleksyon.
Sa isang panayam kay Cayetano matapos bumoto sa Cipriano Santa Teresa Elementary School sa Barangay Bagumbayan, Taguig, sinabi nitong maraming pulitiko ang nais munang magpahinga matapos na rin ng mahabang panahon na nakakapagod na pangangampanya kung kaya’t ayaw muna nitong isipin ang plano o plataporma sa pagbabalik sa Senado.
“Let me just say na whoever wins magtulung-tulong. I don’t want to give any platform now na hindi pa tapos ang botohan. But I can say marami ang magbabakasyon after elections. Maraming bumubuwelo kasi mahirap ng kampanya but I think this time around nagpatung-patong ang crisis, ang COVID hindi pa tapos and then ang Russia-Ukraine crisis na tumaas ang presyo ng langis at ngayon ang fertilizer, pamasahe, at iba pa.
Si Cayetano na isa sa nangunguna sa May 2022 senatorial race sa kabila ng”no poster, notarpaulin, no campaign materials, no motorcade” o eco-friendly campaign na naglalayong makatulong sa kalikasan.
At nang bumoto si Cayetano ay nagtiis itong pumila ng halos tatlong oras bago tuluyang makaboto at hindi tinanggap ang VIP treatment dahil na rin sa mahaba ang pila ng mga botante na nagtiis ng mahabang oras para makaboto.
