Senior citizen pumanaw habang patungo sa polling precinct sa Taguig City

Ni NOEL ABUEL

Hindi na umabot ng buhay sa Taguig Doctors ang isang senior citizen makaraang ma-heat stroke habang naglalakad patungo sa Cipriano Santa Teresa Elementary School sa Barangay Bagumbayan, Taguig City kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Jose Dacuag, 61-anyos, isang tricycle driver, at  residente ng Sitio Butas, Purok 3, Barangay Bagumbayan, Taguig City na idineklarang wala nang buhay nang dalhin sa ospital.

Sa pahayag ng saksing si Eddie Boy Arago, isang barangay traffic enforcer, dakong alas-10:30 ng umaga nang mapansin nito nang  matumba ang biktima at mawalan ng malay tao habang papasok sa nasabing eskuwelahan para bumoto.

Agad namang sumaklolo ang mga barangay security force ng lungsod at agad dinala sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na umano umabot ng buhay.

Patuloy na inaalam ng mga doktor ang tunay na ikinamatay ng biktima kung saan hinihinalang nakaranas ito ng heat stroke dahil sa na rin sa mainit na panahon.

Leave a comment