Kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na naging talamak ang vote buying sa nakalipas na eleksyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, naitala ang 245 kaso ng vote buying mula Enero 1 hangang sa mismong araw ng eleksiyon noong Mayo 9.
Sinabi pa ni Año, na 20 sa mga kaso ang patuloy pang iniimbestigahan, apat ang nai-refer na sa prosecutors office habang isa ang nai-file na sa korte.
Samantala, umabot naman sa 28 indibidwal ang naaresto dahil sa pamimili ng boto habang 13 pa ang pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad.
Kabilang sa mga nahuling suspek sa vote buying ay mga kandidato, barangay kapitan, kagawad, government employee, subalit karamihan ay pawang mga sibilyan.
