Romualdez itinutulak ng NUP na maging House Speaker sa 19th Congress

Ni NOEL ABUEL

Itinutulak ng mga miyembro ng National Unity Party (NUP) na maging House Speaker si Leyte 1st District Rep. Martin G. Romualdez sa pagbubukas ng 19th Congress.

“In a consultation with the NUP Members of the House of Representatives it was unanimously agreed to endorse Rep.Romualdez as the Speaker for the coming Congress,” sabi ni NUP spokesman Reginald Velasco.

Sinasabing ang desisyon ng nasabing grupo ay dahil sa pagkilala sa nagawa ni Romualdez, ang pangulo ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) at bilang Majority Leader ng kasalukuyang 18th Congress at napatunayan ang abilidad nito na pag-isahin ang magkakaibang political parties sa House of Representatives.

Sinabi ni Velasco na ang NUP ang inaasahang pinakamalaking political parties sa 19th Congress at isa sa kinikilala ng Commission on Elections (Comelec) bilang major national political party sa katatapos na eleksyon.

Isinusulat ang balitang ito ay wala pang tugon ang kampo ni Romualdez kung tatanggapin nito ang alok ng NUP.

Si Romualdez ay muling nahalal sa nakalipas na eleksyon bilang kongresista ng Leyte sa nakuhang botong 181,480 at walang naging kalaban sa posisyon.

Leave a comment