
Ni NERIO AGUAS
Winasak ng Bureau of Customs (BoC) ang libu-libong pakete ng sigarilyo at iba pang smuggled na gamit sa lalawigan ng Pampanga.
Ayon sa BoC-Port of Subic, ang pagsira sa mga smuggle na gamit ay bahagi ng kampanya ng ahensya laban sa smuggling at paglilinis sa mga overstaying containers sa pantalan.
Kabilang sa mga sinira ng BoC ang 9×40’ containers kung saan tatlo dito ay naglalaman ng illicit cigarettes na nak-consigned sa Goldlink Int’l Subic Inc. na nakumpiska noong nakaraang taon at nagkakahalaga ng P95,205,000.00.
Gayundin, ilan sa kargamento na winasak ang overstaying containers na naglalaman ng household goods at personal effects sa pamamagitan ng shredding, crushing sa isang accredited facility ng Greenleaf 88 Non-hazardous Waste Disposal sa Pampanga.
Siniguro ng BoC-Port of Subic na ipagpapatuloy nito ang pagwasak sa iba pang overstaying containers sa pantalan upang masiguro na hindi ito nakakasagabal sa operasyon nito.
