128 COCs natanggap na ng Senado

Ni NOEL ABUEL

Naabot na ng Senado ang 73.99 percent na katumbas ng kabuuang 128 Certificated of Canvass (COCs)  ng kabuuang 173 COCs na inaasahang ipapadala sa upper chamber.Ito ay  dahil sa patuloy na pagdating ng mga ballot box na naglalaman ng (COCs) at Election Returns (ERs) para sa Pangulo at Pangalawang Pangulo sa Senado.

Ngayong umaga Mayo 16, nakatanggap ang Senado ng COCs mula sa lalawigan ng Quezon Province, Isabela, Mountain Province, Lapu-Lapu City, Davao del Norte, General Santos City, Sultan Kudarat at North Cotabato.

Samantala natanggap naman ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang  Overseas Absentee Voting COCs mula sa mga bansang India, Lebanon at Italy.

Inaasahan na ang dalawang kapulungan ng Kongreso ay inaasahang magko-convene sa isang joint session sa Mayo 24 para i-canvass ang mga boto para sa 2022 presidential at vice presidential elections.

Leave a comment