Proteksyon ng  MSMEs dapat lang – Sen. Go

NI NOEL ABUEL

Nagpasalamat si Senador Christopher “Bong” Go kay Pangulong Rodrigo Duterte sa nilagdaan nitong Executive Order No. 169 na naglalayong mapalakas at suportahan ang micro, small and medium enterprises sa franchising industry ng bansa.

Paliwanag ni Go, malaki ang kontribusyon ng mga MSMEs sa bansa lalo na sa panahon ng pandemya upang makabangon ang ekonomiya ng bansa.

“Backbone ng ating ekonomiya ang mga MSMEs. Masisipag at madiskarte sa buhay ang mga Pilipino. Kung mabibigyan lang sila ng tamang tulong at polisiya gaya ng EO na ito, hindi malayo na mas lalago pa ang mga negosyo nila,” paliwanag ni Go.

Base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang MSMEs account ng 99.5 porsiyento ng lahat ng business enterprises sa Pilipinas, 68 porsiyento ay nasa franchising.

Nakasaad sa EO 169 kailangang paigtingin ng pamahalaan na mapalakas ang franchising industry upang matulungan ang mga negosyo, partikular ang mga MSMEs sa pamamagitan ng pagbuo ng transparent at business-friendly environment.

Nakapalood din sa EO na ang franchisor ay maaaring maging karapat-dapat sa insentibo o benepisyo mula sa national government kung nakapaloob ang franchise agreement. Inatasan din nito ang Department of Trade and Industry (DTI) na magbalangkas at gumawa ng mga hakbang para sa parapatan sa mga insentibo ng mga kuwalipikadong franchisors, na napapailalim sa umiiral na batas, patakaran at regulasyon.

Leave a comment