Southern Leyte gov’t sinita ng COA

Ni MJ SULLIVAN

Pinagpapaliwanag ng Commission on Audit (COA) ang provincial government ng Southern Leyte kaugnay ng mga kuwestiyunableng pagbili ng mga de-latang pagkain na ipinamahagi bilang donasyon sa mga nasalanta ng kalamidad.

Ilan sa tinukoy ng COA ang ideneklarang donasyon ng 35,801 cans ng sardinas noong 2021 ngunit base sa libro ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ay ipinakita na 5,900 cans lamang ang natanggap na may 29,901 cans na nawawala.

Ipinakita rin na ang Notes to Financial Statements na ang 28,985 cans ng beef loaf at 22,400 cans ng corned beef ay hindi nakatala sa records ng PSWDO.

Maliban pa dito, ang 1,989 sako ng bigas na nasa PSWDO’s tally subalit wala sa ibang libro o vice versa.

Natuklasan din na ang dalawang listahan na daan-daang unaccounted bottles ng drinking water, packs ng instant noodles, energy drinks, cereals, at iba pang pagkain at non-food items na nakita sa 2021 audit report sa Southern Leyte na inilabas noong May 16.

Sabi pa ng state auditors na ang donasyon mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at  private donors na inilaan bilang donasyon sa mga residenteng tinamaan ng Typhon Odettenoong Disyembre 2021.

Sa ilalim ng COA Circular No. 2014-002, s. 2014, ang cash and in-kind donations mula sa local o foreign sources ay dapat na mayroong acknowledgment receipts habang ang pamamahagi ng donasyon sa mga benepisyaryo ay suportado ng issuance forms 

 Ang Accounting Unit ay kinakailangang magrehistro ng donasyon kabilang ang idineklarang halaga sa deed of donation o sa bill of lading.

 Ngunit natuklasan na hindi ito nasunod ang proseso.

 “The accounting staff admitted …that there were items procured by the Province intended for donations that were included in the disclosures which she identified as one of the cause of variance,” ayon sa audit team.

Ilan pa sa nakitang kuwestiyunable sa records, sinabi ng COA na wala ring nakatalang impormasyon sa expiry dates at storage condition ng nasabing mga pagkain kung maaari pa itong ibigay at ipakain sa mga benepisyaryo.

Aminado naman ang PSWDO na nabigo itong magsumite ng mga  kaukulang dokumento sa Provincial Accounting Office sa kadahilanang naging abala ang mga ito sa distribusyon.

Leave a comment