Give Marcos a chance – Sen. Revilla

Senador Ramon ” Bong” Revilla Jr.

Ni NOEL ABUEL

Nanawagan si Senador Ramon  “Bong” Revilla Jr., sa taumbayan na dapat munang bigyan ng pagkakataon si presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. bago husgahan.

Ayon kay Revilla, co-chair ng Lakas-CMD na sumuporta sa kandidatura ni Marcos at Davao City Sara Duterte, naniniwala itong base sa resulta ng nakalipas na eleksyon ay marami ang naniniwala na kayang pamunuan ni BBM ang bansa.

                “This is the very reason why his administration must be given a chance,” sabi ni Revilla.

“Nakakalungkot na mahigit isang buwan pa bago magsimula ang kanyang termino, may ilan nang kumikilos na para siya’y isabotahe, kahit na mangahulugan pa ito sa pagbagsak ng bansa,” pahayag ng senador.

“We are in a crossroads. This is a crucial time for the nation, so all hands must be on deck. Let’s stop shooting ourselves in the foot and instead rally behind our leader and our flag,” apela pa ng mambabatas.

Tinukoy ni Revilla ang maliit na grupo na nagpoprotesta kay Marcos sa Melbourne, Australia nang bumisita ang presumptive president kasaama ang kanyang anak.

“31 million Filipinos in the Philippines and in the whole world cast their vote of trust and confidence on BBM. It seems their sense of patriotism, if their actions indeed spawned from it, is misguided. They ended up embarassing only themselves. Sila ang lumabas na kahiya-hiya,” giit pa ni Revilla. Si Marcos, Jr. na magiging unang mayorya na nahalal na pangulo sa ilalim ng 1987 “Freedom” Constitution na base sa partial at unofficial tally ng Commission on Elections (Comelec) transparency server, kasalukuyang mayroong mahigit 31 milyong boto si Marcos at nangunguna sa kanyang pinakamalapit na karibal ng 15 milyon.

Leave a comment