Wage hike sa Ilocos, Cagayan at Caraga regions

NI NERIO AGUAS

Magandang balita para mga manggagawa sa Ilocos, Cagayan Valley, at Caraga regions.

 Ito ay matapos na iutos ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) ng nasabing mga lalawigan na magkakaroon ng dagdag sahod ang mga minimum wage earners.

Inihayag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ang nasabing balita kasabay ng pagpapasalamat sa wage boards sa tatlong rehiyon na dinggin ang panawagan nitong madaliin ang pag-aaral sa kasalukuyang minimum wage dito.

Nabatid na ang bagong minimum wage sa National Capital Region (NCR) ay magiging epektibo sa Hunyo 4 habang sa Western Visayas ay magiging epektibo sa Hunyo 5 matapos na pagtibayin ng National Wages and Productivity Commission.

Sinasabing nagkaisa ang RTWPB I na magpalabas ng Wage Order No. RB1-21 noong Mayo 16, na nagsasaad na ang wage increases ay mula P60 hanggang P90 sa tatlong bahagi.

Matapos ang implementasyon, ang minimum wage rate sa nasabing mga rehiyon ay magiging P400 na mula sa kasalukuyang P372 at P282 na magiging P340.

Nagkasundo rin ang RTWPB na maglabas ng Wage Order No. RB1-DW-03 na nagkakaloob ng P500 at P1,500 monthly wage increases para sa mga domestic workers sa mga syudad at first-class municipalities at sa iba pang munisipalidad na ang bagong buwanang wage rate ay P5,000.

Samantala, naglabas din ng kautusan ang RTWPB II ng Wage Order No. RTWPB-02-21 noong Mayo 17, na nagkakaloob ng wage increases mula P50 ay magiging P75 sa tatlong bahagi at matapos nito, mula sa P400 ay magiging P420 na ang suweldo at P345 na magiging P370.

Sa huli, naglabas din ang RTWPB XIII ng Wage Order No. RXIII-17 na ang P15 COLA ay ibibilang sa P305 basic salary sa ilalim ng dating Wage Order at pagkakaloob ng P30-wage increase kung saan ang bagong daily minimum wage rate sa rehiyon ay magiging P350.

Ang bagong daily minimum wage rate na P350 ay magiging epektibo sa Wage Order sa mga pribadong establisimiyento at ang manggagawa sa Butuan City at iba pang probinsya ng Agusan del Norte, Agusan del Sur, at Surigao del Sur.

Samantala, para sa mga private establishments at kanilang mga manggagawa sa probinsya ng Dinagat Islands at  Surigao del Norte kasama ang Siargao Islands, ang  wage increase na P20 ay magiging epektibo sa sandaling maging epektibo ang wage order at ang P10 ay magiging epektibo sa Setyembre 1, 2022.

Ang Wage Orders ay isusumite sa NWPC para sa pag-aaral at magiging epektibo 15-araw matapos ang publication sa mga diyaryo na may regional circulation.

Sa ilalim ng Omnibus Rules on Minimum Wage Determination, ang retail/service establishments na may mahigit sa 1o manggagawa at naapektuhan ng kalamidad at pandemya ay maaaring humingi ng exemption laban sa Wage Orders.

Leave a comment