BI nagbabala sa online modus

NI NERIO AGUAS

Muling naglabas ng babala si Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente sa publiko na mag-ingat sa online modus na gumagamit ng pangalan ng isang opisyal na pamahalaan para makapanloko.

Ayon kay Morente, nakarating sa kaalaman nito na ilang indibiduwal ang gumagamit ng pangalan nito at maging ng iba pang government officials para makapanghingi ng pera mula sa biktima nito.

Tinukoy pa nito ang isang di nakilalang scammer na gumagamit ng email at nagkukunwang BI Chief at humihingi ng tulong sa pamamagitan ng pagpapadala ng pera sa ibang bansa para tulungan umano ang isang kaibigan.

Sinabi pa ni Morente na nagkukunwa ang nasabing scammer na nahihirapan itong magpadala ng pera kung kaya’t makikiusap umano na humingi ng pera sa opisyal ng pamahalaan para tumulong sa ngalan ng nasabing scammer.

“This is a scam, attempting to use the name of government employees in their illegal activities. The public are warned against this new modus,” sabi pa ni Morente.

TInitiyak nito na mapapanagot ang nasabing scammer dahil sa kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ito sa cybercrime authorities para sa kaukulang imbestigasyon.  

Leave a comment